Bagyong Julian, bahagyang humina
- Oct 6, 2016
- 1 min read
Signal # 2 sa dalawang lugar sa Northern Luzon, inalis na ng PAGASA.
Bahagyang humina ang bagyong Julian habang nalalapit ng lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa 11:00AM Weather Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang tropical storm Julian sa 210 kilometers west ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometers kada oras. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers kada oras sa direksyong pa-kanluran. Dahil sa paghina ng paglayo ng bagyo, inalis na ng PAGASA ang nakataas na Public Storm Warning Signal # 2 sa ilang lugar sa Northern Luzon.
Samantala, nakataas pa rin ang Public Storm Warning Signal #1 sa batanes at Babuyan Group of Islands.
Inaasahang lalabas na bansa ang bagyong Julian ngayong hapon. Pero habang papalayo ito sa PAR ay hahatakin nito ang habagat na magdudulot pa rin ng pagulan.





Comments