Central Luzon, Isinailalim sa heavy rainfall warning
- Oct 7, 2016
- 1 min read
PAGASA - Nagtaas ng heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Central Luzon ngayong umaga.
Kabilang sa mga apektado ng matinding buhos ng ulan ang Zambales, Bataan at Tarlac. Habang may bahagyang pagulan din ang Pampanga at Nueva Ecija na tatagal ng dalawa hanggang tatlong araw.
Ayon sa PAGASA, dulot ito ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Julian na nasa labas na ng Philippine Area of Responsiblity (PAR).
Nilinaw naman ng Weather Bureau na walang panibagong bagyo na nakakaapekto sa alinmang bahagi ng ating bansa.





Comments