top of page

Mga Centenarian sa Bulacan, kinilala

  • Oct 11, 2016
  • 1 min read

BULACAN - May 94 na Centenarian o yung may edad 100 pataas sa Bulacan kinilala bilang bahagi ng pagdiriwang ng linggo ng Katandaang Pilipino.

Sa nasabing programa, ibinahagi ni Department of Social and Welfare and Development Regional DIrector Gemma Gabuya ang magandang balita hinggil sa Republic Act of 10868 o ang Centenarian Act of 2016, isang bagong batas na magkakaloob ng P100,000 na perang insentibo at karagdagang mga benepisyo sa mga sentenaryong pilipino na naninirahan sa loob o labas ng bansa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Maria Faustino, isang sentenaryo mula sa Norzagaray, sa mga taong nagmamalasakit at nagdiriwang para sa kanilang mahabang buhay.

Sentro ng pagdiriwang ang temang "Pagmamahal at Respeto ng mga Nakababata, Nagpapaligaya sa mga Nakatatanda."


 
 
 

Comments


PAMPANGA

4th Floor, PG Building, Balibago, McArthur Highway, Angeles City

BATANGAS

#53 Evangelista St., Batangas City, 4200

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page