top of page

Mga benepisyo ng 4Ps, bibigyan ng pambili ng bigas

  • Oct 12, 2016
  • 1 min read

SAN FERNANDO, Pampanga = Makakatanggap ng karagdagang ayuda ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps para may pambili ng bigas.

Ang halaga ng matatanggap ng bawat pamilya ay katumbas ng presyo ng 20 kilong bigas na buwang-buwan ibibigay.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development o Region 3 DSWD Regional Director Gemma Gabuya, nais sana nila na rice allowance na lamang ang ibigay imbes na mismong bigas para hindi magkaproblema sa pagimbak sa kanilang bodega.

Base sa isinumiteng panukalang badyet ng DSWD para sa taong 2017, isinama sa probisyon ng 4Ps ang alokasyon para sa pagkakaloob ng 20 kilo ng bigas kada buwan.

May halagang 600 piso kada pamilya ang nakatakdang ipagkaloob na ibinase sa presyo ng bigas na 32.50 piso kada isang kilo.


 
 
 

Comments


PAMPANGA

4th Floor, PG Building, Balibago, McArthur Highway, Angeles City

BATANGAS

#53 Evangelista St., Batangas City, 4200

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page