LPA na binabatayan ng PAGASA, bagyo na
- Oct 13, 2016
- 1 min read
PAGASA - Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Visayas.
Ang tropical depression na pinangalanang KAREN ay huling namataan sa layong 640 kilometers East ng Catarman, Northen Samar.
Taglay nito ang lakas na hanging aabot sa 45 kilometers kada oras. Kumikilos ang bagyong Karen sa bilis na 11 kilometers kada oras sa direksyong West Northwest. Sa linggo inaasahang tatama sa kalupaan ng Northern o Central Luzon ang nasabing bagyo.
Ayon sa PAGASA, maghahatid ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng landslides at flashfloods sa Eastern Visayas at Bicol Region.





Comments