top of page

Signal No. 2 sa Catanduanes dahil kay Bagyong Karen

  • Oct 14, 2016
  • 1 min read

PAGASA = Itinaas na ngayon sa tropical cyclone signal number two ang babala sa Catanduanes dahil sa paglapit ng bagyong Karen.

Umiiral naman ang signal number one sa Polillo Island, Southern Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Northern Samar.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 km silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 95 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 13 kph.

Samantala, manatili po tayong nakaantabay sa mga susunod na oras para sa update po kay Bagyong Karen.


 
 
 

Comments


PAMPANGA

4th Floor, PG Building, Balibago, McArthur Highway, Angeles City

BATANGAS

#53 Evangelista St., Batangas City, 4200

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page