top of page

Bagyong LAWIN, posibleng pumasok sa PAR mamayang hapon

  • Oct 17, 2016
  • 1 min read

Nakalabas na ang bagyong “Karen” sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang madaling araw, hindi naman masyadong makakapahinga ang bansa sa bagyo.

Ito ay dahil naka-ambang pumasok ang typhoon “Haima” sa PAR mamayang hapon, na tatawaging bagyong “Lawin” oras na pumasok na sa bansa.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong “Lawin” na may international name na “Haima” sa 1,430 kilometers ng Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, posibleng mapanatili ng Haima ang direksyon nito at malamang na tamaan muli ang Luzon.

Gayunman, maari pang magbago ang mga detalye kaugnay sa kilos ng Haima dahil hindi pa ito nakakapasok nang tuluyan sa bansa.

Mula sa GVAM 792 News and Public Affairs


 
 
 

Comments


PAMPANGA

4th Floor, PG Building, Balibago, McArthur Highway, Angeles City

BATANGAS

#53 Evangelista St., Batangas City, 4200

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page