top of page

RDRRMC 3, naka-alerto na sa bagyong Lawin

  • Oct 19, 2016
  • 1 min read

San Fernando, Pampanga - Ilang araw matapos hagupitin ng bagyong Karen, naka-alerto naman ngayon ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC sa posibleng maging epektong ng bagyong Lawin sa Gitnang Luzon.

Ayon kay RDRRMC Chairperson at Office of the Civil Defense Regional Director Josefina Timoteo, nakatutok ang Operation Listo ng Department of the Interior and Local Government sa pagre-report ng mga kahandaang ginagawa ng lokal na pamahalaan. Naka-imbak na rin sa mga warehouse ang mga family food packs, non-food items, malong, blanket at unan na ipapamigay ng Department of Social Welfare and Development sa mga maaapektuhan ng bagyo. Sa kabilang banda, magsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Department of Health sa Regional at Provincial level.

Naka-activate na rin ang 24-hour Emergency Response Team ng ahensya kung saan nakahanda ang mga gamot na ibabahagi sa mga Provincial Health Offices. Samantala, naka-standby ang mga tauhan ng Army 7th Infantry Division, Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection sa kani-kanilang istasyon para rumisponde sa mga rescue operations.

Giit ni Timoteo, lagi silang naka-alerto at hindi maaaring maging kampante.

Credits to RDRRMC for the Image


 
 
 

Comments


PAMPANGA

4th Floor, PG Building, Balibago, McArthur Highway, Angeles City

BATANGAS

#53 Evangelista St., Batangas City, 4200

© 2023 by "This Just In". Proudly created with Wix.com

bottom of page